Magtono at tumugtog ng mga kanta
lahat sa iisang lugar

Baguhan ka man o bihasang musikero, ang GuitarTuna ang iyong kumpletong destinasyon para sa pagtotono, pag-aaral, at pagtugtog ng gitara. Simulan ang pag-strum dito mismo.

Tuklasin ang mga chord para sa gitara

Perpektong pagtotono, kahit kailan, kahit saan

Itono ang iyong gitara sa loob ng ilang segundo gamit ang aming libreng online na tuner ng gitara. Walang kailangang app o pag-download!

Magtono na

Lahat ng chord at kasangkapan na kailangan mo

Maging mas mahusay sa mga kanta at mahalagang chord gamit ang madaling sundan na mga chord chart at iba pang mga mapagkukunan. Pumili kung alin sa pinasimple o orihinal na bersyon ang naaangkop sa iyong kakayahan.

Tuklasin ang library ng mga chord

Ang iyong kumpletong app para sa gitara

I-download ang GuitarTuna para makuha ang perpektong tono at matugtog ang mga kantang gusto mo gamit ang mga chord, tab, at liriko. Magsimula nang libre.

Gitara, bass, ukulele, at iba pa

4.8

Pinagkakatiwalaan ng mga gitarista sa buong mundo

  • Pinakamagandang Tuning App Ever

    MaddProfessor

    Marami na 'kong na-download na tuning apps dati at ito 'yong pinaka-best talaga. Madaling gamitin, sobrang user-friendly, saka nakakatuwa na may iba't ibang chords sila at mga kanta na pwede mong gamitin para matuto ng bagong music. Highly recommended ko 'to.

  • Well-Designed na App

    Rose the Black Cat

    Kadalasan, ginagamit ko 'to para sa pag-tune ng gitara ko na pinapadali lang nang sobra ng app na 'to. May malawak ding selection ng mga kanta na pwedeng sabayan ang tugtog. Nakakatulong pa na ipinapakita nito kung aling chords ang tutugtugin saka kung paano 'yong hawak ng mga daliri mo.

  • Napabalik ako sa pagtutugtog

    Tuliketsune

    Ginamit ko 'yong app na 'to para mag-tune ng lumang gitara, tapos napansin ko na may feature siya na autoscrolls habang tumutugtog ako ng chords ng sikat na mga kanta. Di ko alam pero ito 'yong pinakanakakapag-motivate sa 'kin sa pag-practice ng gitara. Ngayon, talagang nagpa-practice na 'ko tapos naaalala ko pa lahat ng pangalan ng chords 🙂

  • Secret weapon

    Brad

    Hindi lang 'to tuner (best app tuner na ginamit ko personally), may metronome pa, games, chords, at napakaraming instruments na pwedeng pagpilian at SOBRANG dali ding i-navigate. Ang ganda! Salamat sa paggawa ng astig na app na 'to. From one musician to another, SALAMAT!!!

  • Sobrang maaasahang tuner

    theNewPaul

    Sobrang gandang app nito! Sobrang daling gamitin at talagang maaasahan. Kung nagsisimula ka pa lang, mababawasan ang iisipin mo kasi makakakuha ka agad ng tune saka sobrang dali pa gamit ang app na 'to. Highly recommended talaga!

  • Ito na 'yong pinakamagandang guitar tuner ever.

    Caleb Schafli

    Accurate ang pag-tune ng gitara para makuha 'yong pinakamagandang tunog. Gusto ko rin lahat ng maiikli nilang laro dahil natuturuan ka kung paano tumugtog ng iba't ibang chords at pwede ring matuto kung paano mag-identify ng mga chord kahit pakinggan mo lang. Offline pa lahat.

  • Napakaganda para mag-tune at tumugtog

    Lynae T

    Gustong-gusto ko kung gaano kadali mag-tune, humanap, at tumugtog ng mga paborito kong kanta.

Mga madalas itanong

Ginagamit ng GuitarTuna ang mikropono ng device mo para matulungan kang itono ang instrumento mo nang mabilis at tumpak. Makikita mo ang isang simpleng biswal na gabay na nagsasaad kung nasa tamang tono ka. Bukod sa pagtotono, puwede kang tumuklas ng mga kanta, mga kasangkapan ng chord, laro, at mga feature sa pagsasanay na ginagawang mas masaya at madali ang pagtugtog.

Oo. Magagamit ang GuitarTuna para sa mahigit 15 instrumento kabilang ang ukulele, bass, biyolin, at mandolin. Piliin lang ang instrumento mo at simulan ang pagtotono nang walang karagdagang kagamitan na kinakailangan.

Maaari mong ma-access ang mahigit 400,000 kanta mula sa mga artist tulad nina Ed Sheeran, Billie Eilish, Metallica, at Queen. Ang bawat kanta ay may Pinasimple at Original na bersyon upang makatugtog ka ayon sa antas ng kasanayan mo. May mga bagong kanta na idinadagdag bawat linggo.

Hindi. Ginawa ang GuitarTuna para sa mga musikero sa anumang antas, lalo na ang mga baguhan. Maaari mong simulan sa pagtotono, subukan ang ilang simpleng chord, at pagkatapos, magpatuloy sa pagtugtog ng mga kanta sa bawat hakbang. Ito ang maginhawang paraan para simulan ang paggawa ng musika.

Nagbibigay sa iyo ang Unlimited plan ng buong access sa lahat ng nasa app. Magkakaroon ka ng access sa lahat ng kanta, isang karanasang hindi napuputol ng ad, iniangkop na feedback habang tumutugtog ka, mga video tutorial, mga alternatibong pagtotono, at mga kagamitan sa pagsasanay tulad ng mga laro ng chord.

Maaari kang pumili sa pagitan ng buwanan o taunang plan. Awtomatikong nagre-renew bawat buwan ang buwanang plan. Nagsisimula naman ang mga taunang plan sa isang libreng trial na tumatagal nang 7 araw. Sisingilin ka pagkatapos ng iyong trial maliban kung magkakansela ka bago matapos iyon. Maaari kang magkansela anumang oras sa pamamagitan ng mga setting ng account mo.

Maaari mong pamahalaan o kanselahin ang subskripsyon mo sa account mo sa website ng Yousician o sa mga setting ng app store mo. Mananatili kang may access hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang panahon ng pagsingil.

Oo. Libre para sa lahat ang tuner at mga pangunahing kagamitan. Kapag mayroon kang subskripsyon, magkakaroon ka ng access sa mga premium na kanta, tutorial, at karagdagang kagamitan, ngunit palagi kang makakapagtono at makakatugtog ng mga pangunahing chord nang hindi nagbabayad.

Subukang lumipat sa mas tahimik na kwarto at tiyaking naka-on ang mga pahintulot para sa mikropono. Ilapit ang device mo sa butas na pinanggagalingan ng tunog ng instrumento o amplifier mo. Kung gumagamit ka ng electric guitar, ikonekta ito gamit ang adapter para sa pinakatumpak na resulta.

Ang GuitarTuna at Yousician ay kabilang sa parehong pamilya ng mga music app, ngunit magkaiba ang gamit ng mga ito. Ang GuitarTuna ay ang maaasahan mong kaagapay sa pagtotono at pagtugtog ng mga kanta sa sarili mong paraan nang walang aralin na may istruktura o pressure. Ang kailangan mo lang gawin ay magtono at tumugtog.